Angel takot bawian ng engagement ring

NI:MILDRED A. BACUD

Dahil sa COVID-19, marami ang hindi magawang makapunta sa salon o barber shop.

Marami kasi ang saradong establishments mula nang magkaroon ng Enhanced Community Quarantine na na-extend pa until April 30.

Dahil dito, kanya-kanyang paraan para makapag-trim man lang ng buhok.

Marami ulit ang humanga kay Angel Locsin dahil sa diskarte nito. Nag-live ang aktres sa FB habang ginugupitan at sini-shave niya ang buhok ng fiance na si Neil Arce. Pangalawang beses na niya itong ginawa. Nang magkomento ang isang netizen ng may talent pala sa paggugupit ang aktres, pabirong sagot ni Angel,

“Thank you naman. Tina-try ko. Baka kasi may soli-an ng singsing pagkatapos eh.”

Dalawang araw pa lamang ang nasabing video pero naka-reach na ito more than 9 million views with 325,000 reactions, and 24,000 comments.

Grabe talaga ang pagiging social media influencer ng aktres na lahat ng kanyang ginagawa ay sinusubaybayan ng mga netizen.