Angel, umiinit pa rin ang ulo sa KathNiel fans!

Angel Locsin

NAKU, may ibang nagke-claim na KathNiel fans ang hanggang ngayon ay hindi pa rin tinatantanan si Angel Locsin sa pagkokomento ng kung anu-ano sa ibang mga post ng aktres na kamakailan ay nagbalik sa La Luna Sangre (ibang character na).

Ang ibang fans na ito ang hindi marunong mag-appreciate sa pagpayag ni Angel na suportahan sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa La Luna Sangre. Obvious na paminsan-minsan ay nawawala ang pagka-cool ni Angel at pumapatol siya sa mga basher niya at kahit paano ay sumasagot sa mga ito.

Pero ang advice naman ng nakararami kay Angel, huwag na lang patulan ang bashers lalo na at hindi naman siya nakakasigurado na Kath­Niel fans talaga ang mga ‘yon!