Nagalak ang ilang celebrity sa ilalim ng ABS-CBN, na umusad na sa Kongreso ang tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN.
Nitong Miyerkoles matapos ang mahigit isang linggo nang ipasara ng National Telecommunications Commission (NTC) ang ABS-CBN, nagsagawa ng sesyon ang Committee of the Whole para sa prangkisa ng TV network.
Ipinanukala ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang House Bill 6732 o “An Act Granting the ABS-CBN Broadcasting Corporation A Franchise to Construct, Install, Operate, and Maintain Television and Radio Broadcasting Stations in the Philippines,and For Other Purposes.”
Layon nitong mabigyan ng provisional franchise ang ABS-CBN hanggang sa Oktubre 31, 2020.
Sey ni Angel Locsin sa kanyang Instagram account, @therealangellocsin, “Thank you Cong. Alan Cayetano and congress for giving us a fair chance in court without shutting us down. Praying that the outcome will favor the Filipino people and enabling us to help during this crisis.”
Lahad naman ni Sylvia Sanchez, “Hindi ako nawawalan ng pag-asa, araw-araw akong umaasa at nagdadasal na mabubuksan muli ang aking pangalawang tahanan. Walang hanggang pasasalamat sayo, Panginoong JESUS Yahooooooo.”
Sa Twitter account naman ni Vice ganda, “Maraming Salamat sa Kongreso!!!!! Malaking bagay po ito. Maraming salamat ulit!!!!”
Magkahiwalay niyang post, “But please lets not stop praying for the best to happen. This is just start of the process. Salamat po sa mga panalangin nyo Madlang People!!!
Ayon naman kay Sunshine Cruz, “Thank you Congress for House Bill 6732 granting ABSCBN provisional franchise until Oct. 31.”
Sabi naman ni Karen Davila, “Maraming salamat sa ating mababang kapulungan. I honestly didn’t expect this. The 6 month provisional franchise allows a way forward to address concerns. Ibig sabihin po, papayagang magbukas muli ang ABSCBN habang dinidinig ang mga isyu laban sa network. Malaking bagay po ito Flag of Philippines.” (IS)