May contest daw ng patabaan ang ex at present ni Luis Manzano na sina Angel Locsin at Jessy Mendiola.
It’s a tie pa rin sila at kailangang magbawas ng timbang bago sumalang ulit sa harap ng camera.
***
NAGMAMALAKI na ba si Ryza Cenon at gusto na raw kumuha ng co-manager bago mag-renew ng contract niya sa GMA7?
Totoo bang may impluwensya riyan ang boyfriend niyang si Cholo Barretto na neither here nor there ang career?
We’ll see kung saan pupulutin itong Ryza na madalas maboljak sa set ng Ika-6 Na Utos.
***
Sa Sunday (June 4) ang tribute concert ni Ariana Grande sa Emirates Old Trafford sa Manchester.
Pinamagatang One Love Manchester, sasamahan dito si Ariana ng mga kaibigan niyang sina Justin Bieber, Katy Perry, Coldplay, Pharrell Williams, Miley Cyrus, Usher, Niall Horan at Take That.
Ang malilikom na pondo ay mapupunta sa mga biktima at pamilyang apektado ng Manchester attack noong Mayo 22.
***
Kasama si MarloMortel sa Maki-JAM with SKYdirect sa Atrium ng SM City Baguio sa June 2-4.
Aawit si Marlo at magpapasaya sa isang meet and greet sa June 3 nang 4:00 PM.
Ang “Maki-JAM with SKYdirect,” ay isang series ng mall tours ng direct-to-home TV service na SKYdirect.
Kasama sa event sa SM City Baguio ang MYX music channel at ang TAG TV.
***
Pumirma ng panibagong kontrata sa GMA Network ang Kapuso star na si Aicelle Santos.
Malaki ang tiwala ni Aicelle sa kanyang home network dahil nararamdaman niya na sincere ang mga taong nakapaligid sa kanya rito.
Hindi siya nakakaramdam ng kompetisyon at nagtutulungan ang bawat isa.
“In GMA, you work together. Walang ‘mas magaling ako,’ ‘mas maganda ako.’ ‘Yun ‘yung atmosphere dito sa GMA.
“You feel home, you feel safe. That’s what being a Kapuso is,” pagmamalaki ni Aicelle, na malapit nang mapanood sa drama series na Impostora.
***
Ipinagdiwang ng Taste Buddies host na si Rhian Ramos ang kanyang showbiz birthday kamakailan.
Hindi niya nakalimutang pasalamatan ang mga taong nakasama niya sa 11 years niyang pag-aartista.
Wala siyang gustong sayangin sa kanyang buhay-artista, kaya pinahalagahan niya ang suporta ng fans.
Post ni Rhian sa Instagram, “Eleven years ago, on the 29th of May, aired Captain Barbell’s pilot episode introducing me as Rhian Denise Ramos on GMA Primetime.
“It’s been 11 years of roles, ups and downs, learning, discovering the world and myself and meeting people that’d forever change my life.
“Thank you to all who have been part of the adventure.”
Very showbiz ang pronouncements ni Aicelle. Wala namang usad ang singing career niya sa Syete. Wala na kasing ibang singers na pambato ang GMA aside from Regine na walang sustansya ang mga programa niya ngayon sa Syete. Lumipat na kasi si Jona at nag-Broadway career na lang si Rachelle Ann Go. Wise moves.