tonite-pak-allan-diones

Back to normal na pala ulit ang ta­ping ng “The Gene­ral’s Daughter” matapos mapabalita ang pagwu-walkout ng bida nitong si Angel Locsin.

February 15 (Biyernes) nang umaga naganap ang walkout ni Angel at ang sabi ng aming source, kina-Lunes (Feb. 18) ay nag-taping na raw si Angel sa Tagaytay.

Mukhang si Albert Martinez ang kaeksena ni Angel nu’ng araw na ‘yon dahil ang alam namin ay walang taping that day ang ibang cast gaya nina Tirso Cruz III at Maricel Soriano.

Ang sabi ng source namin ay kinausap na raw si Angel ng Kapamilya business unit head na si Kylie Manalo-Balagtas, so posibleng nasolusyunan na ang problema na naging dahilan ng biglang pag-alis ng aktres sa taping.

Sa Twitter ay active na ulit si Angel sa pagtu-tweet. Mukhang hindi nga totoo ‘yung tsika na may problema sila ng direktor ng “TGD” na si Manny Palo kung pagbabasehan ang mga tweet ni Angel.

May pumuri kasi sa kanya sa Twitter na sinagot niya ng, “Salamat po! Thanks to our excellent directors and creative team! Super blessed to have Direk Manny Palo & also to Direk Mervin to guide us.”

May tweet din si Angel na magbabasa na raw siya ng script para sa taping niya kinabukasan. So, ibig sabihin ay nakuha niya ang script in advance. May tsika kasing nagti-taping sila ng walang script at doon na lang sa set ibinibigay.

Mukhang walang balak magsalita si Angel tungkol sa tunay na dahilan ng pagwu-walkout niya, base sa tweet at IG post niya na, “A long time ago I learned not to explain things to people who are committed to misunderstanding me.”

As in dedma na lang siya, gano’n. Pero tila may konek sa isyu ang mga nire-retweet niyang quotes tungkol sa mga katangian ng isang Taurus na katulad niya.

“A Taurus loses their temper and minutes later they forget until you do it again then it’s over,” ang isa niyang ni-RT.

Ang sabi pa sa isa niya ni-retweet, “Evolved Taurus women are soft spoken but warriors. They embody sweet sensitive souls.

“Usually they have overcome great tribulations as a young woman that attributes to their deep strength as an adult. They share love openly and are a voice of reason and insight to many.”

‘Yun na! PAK!!

Alden, Maine babantayan ni Arjo sa taping

Nabuhayan na naman ng loob ang mga never-say-die na AlDub fanatic dahil sa balitang maggi-guest si Alden Ri­chards sa show ni Maine Mendoza na “Daddy’s Gurl.”

Kaya may mga nairita roon sa nag­labas ng pic na kuha raw sa secret personal FB account ni Maine na Gil Quilong ang username.

Magkayakap sa black & white pic ang obviously very happy na sina Maine at Arjo Atayde, na ang caption ay, “and then I met you.”

“Edited” at “fake” na naman daw ang pic na ‘yon ng ArMaine, pero may mga nagpapatunay na totoo ‘yon at real FB account ‘yon ni Maine o isa sa many secret accounts nito.

Halata naman daw na masaya talaga ang ArMaine sa pic na ‘yon, na ang sabi pa ay sinagot daw ni Arjo ng comment na, “I love you.”

May humirit na bakit sa private FB niya lang nagpu-post ng ganu’n si Maine after ng pinost nitong pic nila ni Arjo sa kanyang IG stories?

Bakit hindi pa raw kasi gawing public ni Maine para matigil na ang kuda ng mga kumokontra sa kanila ni Arjo? Panindigan na raw nito ang pag-a-out para tapos na ang usapan.

‘Yung mga solid AlDub pa rin ay super-wait na kung kailan ang guesting ni Alden sa sitcom ni Maine.

Actually, parang wala raw sa timing ang nasabing guesting dahil alam ng lahat na may Arjo si Maine.
Baka magka-awkward moment lang daw ang dalawa. Pero nagkakasama pa rin naman ang AlDub sa “Eat Bulaga,” so keri lang naman siguro ‘yon.

At kung tinanggap ni Alden ang nasabing gues­ting, ibig sabihin ay okey lang ‘yon sa kanya at hindi ito big deal.

Ang tanong: magbantay kaya si Arjo sa taping? Balita kasing pumupunta sa set ng “Daddy’s Gurl” si Arjo para dalawin o sunduin si Maine.
Alam na! PAK!!