Angel walang dalang TV crew sa pagtulong

Bilib ang diva that you love sa pagtulong na ginawa ni Angel Locsin sa mga kababayan nating biktima ng lindol sa Mindanao.

Habang ang iba nating mga kababayan ay nasa mga sementeryo para magbigay respeto sa mga kaanak nilang yumao, si Angel ay nasa isang mall sa Davao at namimili ng relief goods na kanyang ipamimigay sa mga biktima ng lindol.

Walang dalang TV crew si Angel para i-document ang kanyang ginawa. Hindi rin siya nagsama ng media. Kaya lang nabuking ang kanyang pagkakawangga ay dahil may mga tao na kumuha ng litrato at sila mismo ang nag-post sa sarili nilang social media accounts.

Maraming beses nang nag-extend ng tulong si Angel sa tuwing may kalamidad na nagaganap sa ating bansa. Pero as always, tahimik ang kanyang pagtulong. Walang fanfare, no media coverage. Taus pusong pagtulong lamang.

O ‘di ba, kapuri-puri ang gesture ni Angel? Kaya naman lagi siyang blessed.

May interesado kayang manood sa concert ni Nora?

May nagtatanong sa Facebook na parang survey – kung sakali raw na magkakaroon ng concert si Nora Aunor, may interesado kaya na manood?

Well, siguro ‘yung mga diehard Noranians, kahit na matatanda na sila pero kaya pang maglakad eh manonood sila.

Ibang klase rin naman kasi ang mga Noranian.

Pero ang unang tanong na dapat sagutin ay kung puwede na bang kumanta si Ate Guy?

‘Di ba matagal na siyang ‘di kumakanta dahil nasira ang boses niya?

Bumalik na ba sa dati ang boses niya? Carry na ba niya mag-concert?

‘Yan muna ang sagutin ng mga nagtatanong kung may manonood ba in case mag-concert si Ate Guy.

At saka may concert producer ba na interesado na iprodyus ng concert si Mama Guy?