Hindi lang sa loob ng volleyball court maaasahan si veteran player si Angeline Pauline ‘Angeli’ Araneta.
Kundi pati na rin sa pagtulong sa mga frontliner na lumalaban kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Namigay ang Generika-Ayala Lifesavers opposite hitter ng ilang relief packs sa iba’t ibang lugar sa Quezon City.
Sa kanyang Instagram post, makikita ang ngiti sa mga nabigyan ng tulong ni team skipper Araneta.
Caption ng 26 na taon, may taas na 5-10 na dalaga, “Maliit na tulong kapalit ng malalaking mga ngiti 😌 Nakakagaan ng loob kapag nakakatulong ka sa kapwa. Again, thanks to my family, former teammates in UP & friends for your contributions 😇 #SpreadKindness.”
Bumanat pa ang makinis at magandang balebolista ng, “PS: Wag kalimutan, Mayora Neta, sa susunod na eleksyon. Char.” (Janiel Abby Toralba)