Angelica: Carlo ‘di sincere mag-sorry

Marami ang umasa na gagawa ulit ng pelikula sina Angelica Panganiban at ang kanyang ex-boyfriend na si Carlo Aquino. Ang huling pelikula na pinagsamahan nila na “Exes Baggage” ay naging box-office hit at kumita ng halos P355M.

Pero hindi pa sila maayos dahil hindi sinuklian ni Carlo ang pagmamahal na ibinigay ni Angge sa kanya. Para pa sa aktres, tila ginamit pa siya ni Carlo para muling bumalik ang sigla ng kanyang karera.

Sinabi pa ng aktres na hindi niya pa kayang patawarin si Carlo dahil hindi niya nararamdaman ang sinseridad nito.

Sey ng aktres, “Ako hindi naman ako naghihintay na may gawin ‘yung isang tao para mapatawad ko siya. Kasi kahit ano namang gawin nila kung hindi ka pa talaga handa, hindi mo ‘yun mabibigay. Hindi mo ‘yun puwedeng ipilit e.”

Sinabi pa ni Angge ang intensyon ni Carlo. Aniya, “Gusto niyang ayusin kasi gusto niya makagawa pa daw kami ng pelikula. Pero hindi niya gustong i-revive ‘yung friendship namin.” (Rona Ronda)