tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioPapatol pa ba tayo sa dramang politikal na nangyayari? Huwag na! Kung sino man ang may-akda at pakana nito, hayaan na lang natin na kusang gumulong ang kanilang mga ulo o kaya, langit na ang humatol kung paano at kung saan ito dapat matapos.
Sa ngayon, na palabas na ang “Exes Baggage” sa mga sinehan, sana marami talaga ang manood nito dahil para sa mga ex-lover now co-actors na sina Carlo Aquino at Angelica Panganiban, dream come true para sa dating minsan ay nagmahalan.
Nagsimula ang kanilang pagmamahal noong mga bata pa, katorse-anyos, anim na taon ang tinagal kung saan hindi lang isa, kundi dalawang beses silang nagkahiwalay pero pinaglaban pa rin ang kanilang relasyon, kaya lang sadyang napagod yata ang mga puso nilang nagmamahal para sa isa’t isa. Kamakailan lang, may isang bahagi sa “Gandang Gabi Vice”, na sa pakiwari ko, they really wore their hearts out of their sleeves. Na hindi na ito pang-promo. Na ang sinabi nila sa isa’t isa ay talagang bukal sa kanilang mga puso.
Siguro nga hopeless romantic lang ang diva that you love pero hindi ko talaga napigilan ang pagluha sa segment na pinagharap sila ni Jose Marie para itanong ang tanong na hindi nila naitanong sa isa’t isa, ang gustong sabihin na magsisimula sa sana, at kung paano magpapa­umanhin.
Grabe! ‘Yung vulnera­bility to reveal her feelings, tagos na tagos at nakakawasak-puso.
Ang paglalahad ni Pa­nganiban tungkol sa paumanhin, para kay Aquino, “Sorry, doon sa nagpaalam ka na, pumayag ako, sorry kasi napagod.”
Halatang hindi inaasahan ni Carlo ang mga namutawi kay Angelica kaya matagal itong nasabi na, “Sorry, kasi napagod ka kasi kasalanan ko. Inaamin ko na nagkulang ako.”
Sa puntong nagpaka­totoo na ang dalaga sa kanyang sana, kung saan gumaralgal ang boses nito at napigilang maging emosyonal at mangilid ang luha, wala  na, iyak na talaga ako. “Sana ‘pag nahanap mo na ang para sa iyo, sana ganito pa rin tayo… Sabi ko kasi sa kanya ‘pag nagka-girlfriend siya, mami-miss ko siya. Kasi ang sarap na may nagke-care sa iyo, na yinayakap ka… Sana lang kaming magkaibigan.”
Si Carlo, trying his best to camouflage his feelings, kunyari composed noong sinabi niya na, “Sana lang ‘wag matapos kung ano meron tayo kasi nga ‘pag kasama kita kampante ako, alam mo kung paano ako pa­kalmahin.”
Awwww….. napagakagandang pagtatapat, mga puso ang pinagsalita. Sana nga, ngayong pinapalabas na ang kanilang pelikula, hindi matapos sa promo ang maayos nilang pagtitinginan.
***
Piolo ‘di pinayagang mag-shoot sa ground zero
Kasama ba sa pag-iimpok ni Piolo Pascual at securing the kinabukasan ang soon to be Mrs. Piolo Pascual? Matamis na ngiti muna ang reaksyon ni Piolo rito at saka nagsalita, “When it happens, it will happen. I know there are so many things that I still need to do. I am surrounded naman by people I love. Work is taking most of my time.”
Speaking of work, malala ang pagiging busy ni Papa P. Hindi lang bilang aktor, kundi bilang isang producer.
Hindi pa nagsisimula ang pelikula nilang Marawi kasi nga, “Hindi kami pinayagang mag-shoot sa ground zero. Delikado pa kasi, ‘yan ang sinabi sa amin.”
Inamin rin ni Papa P na nagbitiw si direk Sheron Dayoc dahil sa “creative differences” at “We are in search of a new director now. And oo, we are looking for a Muslim director.”
More than sampung pelikula ang nakalinya sa kanyang Spring Films at yes oh yes, muli niyang makakatrabaho ang internationally acclaimed film master na si Lav Diaz.