Angelica, Glaiza magkalaban sa Luna Awards

Mukhang may malaking pagbabago ang magaganap sa Luna Awards this year. Kung hindi ninyo alam kung ano ang Luna Awards, beautiful ones, mukhang masyado pa kayong mga bagets to know about the history of the awards sa ating local film industry.

Ang Luna Awards ang counterpart ng Oscar Awards sa Hollywood. Ito ‘yung tinatawag na industry award na ang members ng Film Academy of the Philippines ang siyang bumoboto sa kanilang peers.

Congratulations nga pala kay Ms. Vivian Velez, ang bagong Deputy Director General ng Film Academy of the Philippines or FAP.

To be fair, maganda ang line-up ng nominees ngayon ng Luna Awards. Mukhang nag-level up. Before kasi ay may criticisms sa nominees and winners mismo sa Luna Awards.

Feeling mga showbiz observers, hindi masyadong seryoso sa pag-nominate at pagboto ng winners ang Electoral College ng FAP. Pakiramdam ng mga observer, may vested interest na involved sa pagpili ng winners.

Kung sino ang tunay na deserving ay tila less ang chance na magwagi. But those were the days. Sa line-up ngayon, mukhang pinag-isipan ang sinala at listahan ng movies na nagkamit ng nominasyon.

Type naming magbigay ng fearless forecast in select categories. Personal choice lamang ito ng diva that you love at walang kinalaman ang FAP. Kung sakaling tumama ang aming hula ay hindi sinasadya.

Sa Best Supporting Actress ay nominado sina Aiko Melendez (“Rainbow’s Sunset”), Daria Ramirez (“Signal Rock”), Max Collins (“Citizen Jake”) Nova Villa (“Miss Granny”) at Sunshine Dizon (“Rainbow’s Sunset”). Feeling namin, si Daria ang winner.

For Best Supporting Actor, nominated sina Arjo Atayde (“BuyBust”), Soliman Cruz (“Liway”), Carlo Aquino (“Goyo: Ang Batang Heneral”), Epy Quizon (“Goyo: Ang Batang Heneral”) at Mon Confiado (“Signal Rock”).

Feel namin, mag-win sa category na ito si Carlo.

Best Actress nominees naman sina Angelica Panganiban (“Exes Baggage”), Glaiza de Castro (“Liway”), Ai Ai delas Alas (“School Service”), Anne Curtis (“Sid & Aya”) at Agot Isidro (“Changing Partners”). Choice namin dito ay si Glaiza o kaya si Ai Ai.

For Best Actor, nominado naman sina Eddie Garcia (“Rainbow’s Sunset”), Christian Bables (“Signal Rock”), Nicco Manalo (“Gusto Kita with All My Hypothalamus”), Daniel Padilla (“The Hows of Us”) at Dingdong Dantes (“Sid & Aya”). Hindi magdadabog ang bangs namin kung magwagi pa rin ang yumaong si Manoy Eddie o kaya si Dong Dantes na kakaiba sa “Sid & Aya”.

Para naman sa Best Director, nominated sina Chito Roño (“Signal Rock”) Dwein Baltazar (“Gusto Kita with All My Hypothalamus”), Erik Matti (“BuyBust”), Kip Oebanda (“Liway”) at Irene Villamor (“Meet Me in St. Gallen”). Feel naming mag-win ay either si Baltazar or Oebanda.

For Best Motion Picture, nominated ang “Liway” (Exquisite Aspect Ventures, VY/AC Productions, and Cinemalaya), “BuyBust” (Viva Films and Reality Entertainment), “Signal Rock” (CSR Productions), “Goyo: Ang Batang Heneral” (TBA Studios and Globe Studios) at “Gusto Kita with All My Hypothalamus” (Epicmedia Productions, CineFilipino, Unitel, and Cignal Entertainment).

Sa palagay namin, ang winner dito ay ang “BuyBust”.