Angelica inabandona ang sariling lola

NI: RODEL FERNANDO

Hindi maganda ang feedback ng netizen sa pahayag ni Angelica Panganiban tungkol kay Presidente Duterte. Aniya, pinagsisihan niya ang pag-endorso niya sa Pangulo noong 2016.

Kung babasahin ang mga comment ng mga tao sa iba’t-ibang website ay halatang marami ang galit sa aktres. Mayroon din naman nagtatanggol sa kanya na siguradong tagahanga at mga supporter.

Isa sa mga nakatawag ng pansin ang isang tweet mula kay Tonya Wiggins ng @ChakaAkoBlog noong

April 7, 2020. Ipinost niya ito ng 7:24 ng gabi.

Sa tweet nya, “Si Angelica Panganiban pinagsisihan daw ang pag endorso nung 2016 kay Pres. Duterte. Uy, tinulungan mo na ba tunay mong Lola na si Aling Leoning? Na nakatira hanggang ngayon sa squatter area sa Delpan, San Nicolas, Manila at hirap sa buhay. May nalalaman ka pang pagsisisi. 🙄”

Marami ang nag-react dito at marami ang hindi makapaniwala. Totoo ba na inabandona ni Angelica ang totoo niyang lola?. May dagdag pa si Tonya na tuwing pumupunta ang diumano’y lola ng aktres sa kanyang bahay sa Quezon City ay hanggang gate lang ito.

Kailangang linawin ni Angelica ang isyung ito.

Bukas ang pitak na ito sa panig niya. (Rodel Fernando)