NI: ARCHIE LIAO

Viral ang naging reaksyon ni Angelica Panganiban sa pa-throwback pic ng Kapamilya Online World kung saan ipinakita ang cute na hitsura niya noong bata pa siya.

Kuha ang photo noong 1995 kung saan kasali ang Kapamilya actress sa educational TV show na Hiraya Manawari . Muling ibinabalik ito ng ABS-CBN sa panahon ng enhanced community quarantine.

Sey niya:”Hayy…gusto ko nang magkaanak!”

Umani naman ng samu’t-saring komento ang kanyang emote.

May mga naaliw at meron ding nam-bash.

Hirit ng iba,panahon na raw para lumagay sa tahimik ang actress o muling magka-boyfriend.

Meron namang ilang kate-katerang netizen ang nagsabing inggit daw si Angge kay Ellen Adarna na may baby na sa kanyang dating boyfriend na si John Lloyd Cruz.