Umani ng samu’t saring reaksyon ang pa-blind item ni Angelica Panganiban na ipinost niya sa kanyang socmed account.

Kaugnay ito ng taong nanggagaya raw sa kanya.

Sey niya: “Giirrl, bakit ako ginagaya nung taong ayaw ko? Hahaha. Peg niya ko. Please send help.”

Naging guessing game naman sa netizens kung sino raw ang impostor na ginagaya ang aktres.

Hirit naman ng isang netizen na hindi type ang ipinost niya, nagha-hallucinate lang daw ang aktres.

May mga naghahamon namang pangalanan niya ang nasabing taong gumagaya sa kanya kung talagang malakas ang loob nito.

Obserbasyon naman ng ilan, nagpapaka-controversial lang daw ito para pag-usapan.

Sabi naman ng iba na feelingera at masyadong conceited daw ito, considering na nag-i-impersonate at nag-i-spoof siya ng iba’t ibang personalidad sa gag show niya na “Banana Sundae”. (Archie Liao)