Angelica, JM nagkaayos na

NI: Mildred A.Bacud

Marami ang napapaisip kung ano ang pinost ng Dreamscape Entertainment at IWant sa Instagram account na may caption na ” Zoom meeting in progress at may hashtag na #LoveLockdown. Lumalabas na virtual collaboration ‘yun kasama ang pitong artista na sina Tony Labrusca, Arjo Atayde,Jake Cuenca, Kylie Versoza,Sue Ramirez, JM de Guzman at Angelica Panganiban.

Sa tingin nila ay may shooting na nagaganap kahit na nasa bahay lamang sila.

So expect new normal in showbusiness dahil sa perwisyong dinulot ng Covid 19. Just like the experimental film of John Lloyd Cruz and Bea Alonzo na inakala ng lahat na ang Instagram video call ng dalawa ay tunay pala .Idinidirehe ito ni Antoinette Jadaone at may titulong Loveteam.

After That Thing Called Tadhana, ang Love Lockdown which is a virtual drama ay reunion project nina Angelica at JM.

Okay na pala ang dalawa kahit na two years ago ay nagkaroon ng isyu sa pagitan ng aktres at ama ng aktor na si Ronniel. Matatandaang hindi nagustuhan ng tatay ni JM ang isang photo kung saan kasama ng anak si Angelica at mga kaibigan nito na parang umiinom dahil may beer sa mesa.

Caption noon ni Ronniel sa larawan ay kagagaling lamang daw ng anak sa dalawang taong pagkakarehab at may hashtag pa siyang #maymali #ikawnaumiwas at #wrongcompany.