Kasing-init ng summer ang mga tagpo ng pag-ibig sa iWant ngayong Mayo.
Tatlong orihinal na palabas na pinagbibidahan nina Lovi Poe at Zanjoe Marudo, Mylene Dizon at Kit Thompson, at Angelica Panganiban at JM De Guzman ang mapapanood.
Matatagpuan nina Lovi at Zanjoe ang isa’t isa sa Italy sa original movie na “Malaya,” na idinirek din ng “Glorious” creator na si Concepcion Makatuno.Showing na ito sa Mayo 28.
Magkalayo ang edad ngunit pagtatagpuin naman ng tadhana sina Mylene at Kit sa pinag-usapang 2019 Cinemalaya entry na “Belle Doleur”. Tunghayan sa Mayo 20 sa iWant.
Tatlong kwento ng kasinungalingan at kataksilan naman ang mapapanood sa sexy suspense film na “Love Lockdown” nina Angelica at JM na mapapanood sa Mayo 13. Kinuhanan sa Zoom, iikot ang kwento sa mga taong papatunayan na walang hahadlang sa pag-ibig, kahit pa sa panahon ng quarantine. Tampok din sa cast sina Jake Cuenca, Kylie Verzosa, Sue Ramirez, Arjo Atayde, at Tony Labrusca.
Patuloy namang makakakuha sa iWant ng mapagkakatiwalaang balita at impormasyon dahil nagbabalik ang “TV Patrol” at napapanood nang live tuwing 6 PM gabi-gabi, pati na ang ang DZMM TeleRadyo at ang ANC live channel, matapos ipatigil ang operasyon ng ABS-CBN sa TV.
Patuloy ring mapapanood ang mga paboritong Kapamilya teleseryes, talk and variety programs anumang oras sa streaming service, pati na ang The Daily Mass nang mula Lunes hanggang Linggo.
Kasama rin ng mga Pinoy sa tuwa ang ilan sa Kapamilya comedians sa original series na “Tawa Tawa Together” kung saan makakasama ni Alex Calleja sa bagong episodes sina Alex Gonzaga, Melai Cantiveros, at Pokwang upang bigyang kulay ang mga karanasan ng iba’t ibang pamilya sa quarantine.
Magbubukas naman ang documentary section ng iWant hatid ang bagong documentaries. Makisisid sa underwater adventures sa “Wreck Hunters,” tunghayan ang training ni Matteo Guidicelli bilang sundalo sa “Ranger G,” at suriin ang buhay ni Imelda Marcos sa “The Kingmaker.”
Patuloy namang mapapanood sa iWant ang higit sa 1,000 na libreng pelikula.
@@@
Babajie tinangihan ng 3 ospital
Ngayong Linggo (May 10), bilang paggunita sa mga ina ng tahanan, tampok sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ang ilang kuwentong aantig sa puso ng manunuod.
Tunghayan ang kuwento ng dalawang ina na namatayan ng anak sa gitna ng COVID-19 pandemic. Si Nanay Ven, makailang ulit daw tinanggihan ng mga ospital ang anak niyang si John habang ang Nanay Minda naman ni Babajie, naghihinagpis ngayon sa pagpanaw ng anak na komedyante.
Ayon sa tsika 3 beses umanong tinanggihan ng mga ospital sa Pasay hanggang makarating sa San Lazaro.
Si Babajie ay madalas mapanood sa ‘Bubble Gang’.