STORYCON ng bago niyang ­movie kasama si Angelica Panganiban ang pinanggalingan ni Judy Ann ­Santos bago siya pumunta sa misa sa ­se­cond and final night ng wake ng kanyang namayapang former ma­nager na si Tito Alfie Lorenzo nu’ng Miyerkules.

Ang Dalawang Mrs. Reyes ang pamagat ng pelikula na ­ididirek ni Jun Lana at co-prod ng Star ­Cine­ma, Quantum Films at Idea­First ­Company.

‘Hilarious film’ ang ­description dito ni Atty. Joji Alonso at ang dinig namin ay nauna itong isulat ni ­Direk Jun kesa sa kahawig ­nito ng title na Kapuso soap na Ang ­Dalawang Mrs. Real (2014) ­nina ­Maricel ­Soriano, Lovi Poe at ­Dingdong Dantes.

Ang payat ngayon ni Juday ­kaya ang ganda niya at mukha siyang bata sa look test nila.

Sinabi namin sa kanya ‘yung comment ng fans na sa kanilang ­da­lawa ay mas mukhang nanay si Angelica dahil sa katawan nito.

Depensa ni Juday kay Angge, malaki lang siguro itong tingnan sa pictures at sa TV, pero okey ang ­katawan ng Kapamilya actress sa personal. Hindi raw ito mataba.

Sa Instagram post ni Angelica ay nabanggit nitong hindi ito makapaniwala na mangyayari ang pagsasama nilang ‘yon ni Juday sa big screen.

“Thank you for today, Ate!!! Lab u!” sey ni Angge sa IG, na sinagot ni Juday ng, “Love you, sweetie. ­Masaya ito. Handa ka na ba?”

Ani Angelica, “Ako, oo. Ewan ko sila.”

Ang sabi sa amin ni Juday ay ­wala pang napipiling aktor na makakasama nila sa pelikula.

May narinig kaming tsika na isang hunky Kapuso actor ang ­inalok ng role ng mister ni Juday, kaya lang ay tumanggi ito dahil ­tila masyadong mature ‘yung role.

May 14-anyos na anak si ­Juday rito na gagampanan ni Andrea ­Brillantes.

Inalok din ito sa isang hunky Kapamilya actor, na tumanggi rin.

Isang sopistikadang rich wife ang role dito ni Juday habang si ­Angelica ay isang may kaya ring wifey na galing ng probinsiya.

Ang busy ni Angelica, na ­bukod sa movie with Juday ay nagsimula na rin sa shooting ng pelikula nito with Angel Locsin and Richard Gutierrez.