Angelica may bagong crush

Tamis-tamisan ang da­ting mag-sweetheart na Carlo Aquino at Angelica Panganiban kaya may mga nag-iisip na baka nagkabalikan na ang dalawa.

Reunited and it feels so good ang CarGel, na may ginagawang movie na produced ng indie label ng Star Cinema na Black Sheep at sa direksyon ni Dan Villegas.

Kinilig ang mga fan sa mga kuha ng dalawa lalo na ‘yung nasa loob ng mga braso ni Carlo si Angelica at magkalapit ang mga mukha nila.

Nagtatawanan ang CarGel habang kinukunan ‘yon at kita mong feel na feel ng dating magkasintahan ang kanilang reunion.

Si Carlo ay may mga pa-caption sa Instagram na, ‘Anghel sa lupa’ at ‘I’m just glad that you are a part of my heart’ kaya pati celebrity friends nila ay kinikilig sa kanila.

Kahit naging magsyota sila nu’ng mga bagets day nila ay never silang nagtambal sa pelikula, so ito ang first movie ng CarGel at una rin ng Black Sheep.

May mga nag-comment na kaya pala sweet ngayon ang dalawa ay dahil may pelikula na ipo-promote.

In fairness ay may mga nagwi-wish na sana ay maging sila ulit.

Nang mag-message kami kay Carlo na excited na kaming mapanood ang mo­vie, ang sagot niya sa amin ay sana matapos muna nila ito.

Mukhang matagal pa sila dahil ang sabi niya sa amin, hopefully by first week of August ay tapos na sila.

Hindi niya pa raw sure kung kailan ang showing nito.

Ang saya nila ni Angelica together. Sila na ba ulit?

“Ayan, ayan… ang ga­ling nu’ng pagkakapadulas mo du’n, ah? Ha! Ha! Ha!” sagot sa amin ni Carlo, na mas magaling ang dodging skills.

Si Angelica ay may mga tweet na meron daw siyang crush.

Nang may magtanong sa kanya kung bakit crush lang at hindi mahal, ang nakaka-high school na sagot ni Angge ay, “Hindi ko pa kaya, please!!! Hayaan n’yo ako magka-crush!!”

Wait na lang natin kung magkakaroon ng sequel ang love story ng CarGel sa totoong buhay.

***

Two-on-two battle muli ang magaganap mamayang gabi sa ‘Lip Sync Battle Philippines’ sa GMA.

Dalawang pares ng Kapuso girls ang magtatapatan: sina Kate Valdez & Mika dela Cruz versus Mikee Quintos & Inah de Belen.

Hosted by Michael V. with color commentator Iya Villania-Arellano.