Angelica may hugot sa b-day ni Bela

Mahigpit na yakap at katagang “mahal kita habang buhay.”

Ito ang handog ni Angelica Panganiban sa “momsie” na si Bela Padilla, na nagdiwang ng 29th birthday kahapon, Mayo 3.

Sa Instagram pinakita ni Angge ang mahigpit nilang yakapan ni Bela na aniya’y tungkol sa problemang pag-ibig. Pati na rin ang photobooth picture kasama ang kapwa nila momsie na si Kim Chiu.

Babawi na lang din aniya sila ng pagdiriwang, maging para sa kaarawan ni Kim noong Abril 19.

Patuloy kasi ang home quarantine at social distancing protocol ng gobyerno laban sa COVID-19 hanggang May 15.

“May kaibigan akong masarap kausap. Exciting patawanin. Hanep makinig. May sense mag bigay ng advice. Happy new year momsie @bela babawi tayo sa mga celebrations niyo ni kimmy. Mahal kita habang buhay ,” sey ni Angelica sa isang Instagram post.

“HBD @BELA ILY 🤟,” saad niya pa sa isa. (SDC)