Angelica muntik mapraning

NI: ARCHIE LIAO

Treat na ni Angelica Panganiban sa sarili ang mag-travel abroad once a year kasama ang kanyang mga kaibigan.

Naniwala kasi siyang after all the hard work, deserved naman niya na i-pamper ang kanyang sarili.

Huling international travel niya ang Dubai bago ang lockdown kung saan nag-shooting siya ng naunsyaming summer MMFF movie kasama si Coco Martin.

Work-related ang travel na ito at hindi for leisure.

Ayon kay Angge, marami siyang natutunan sa nagaganap na lockdown o home quarantine.

Na-miss daw niya ang kanyang pamilya na hindi niya kasama lalo pa’t nagsosolo lamang siya sa kanyang pad kasama ang kanyang mga pusa.

Halos napraning din daw siya sa pamumuhay na mag-isa lalo na nang mag-break down ang kanyang appliance sa panahon ng ECQ

Mabuti na lang daw at kapitbahay niya si Direk Andoy Ranay na nahingan niya ng tulong.

Aminado rin si Angelica na marami siyang realization sa nangyayaring pandemic at maraming nagugutom.

Pagkatapos daw ng coronavirus pandemic at ma-lift ang ECQ, ipra-priotize raw niya ang pagtangkilik sa domestic products at pati na sa local tourism.

Nakokonsensiya rin raw siya na sa hirap ng buhay ay unahin pa niya ang international travel.

Sey pa niya, paraan din daw iyon para makatulong siya para makabangon ang ekonomiya ng bansa na sobrang apektado ng krisis ng Covid-19.

Besides, naniniwala siya na marami pang magagandang lugar sa Pinas na hindi pa niya nai-explore.