NI: NONIE V. NICASIO

Delicious pagmasdan ang post sa Twitter account ni Angelica Jane Yap na mas kilala sa bansag na Pastillas Girl.

Dito’y makikita na lumutang ang sex appeal ni Angelica sa suot niyang yellow one piece swimsuit.

Kitang-kita pa rin ang alindog ni Angelica kahit naka-side view siya rito. Actually, umaapaw ang kanyang sex appeal kahit patagilid ang porma niya sa naturang larawan.

Kayang makipagsabayan ni Angelica sa ibang celebrity na madalas magbalandra ng kanilang sexy photo sa social media.

Sadyang katakam-takam ang kanyang physical assets. Talagang nagpakiliti siya ngayong ECQ.Siya ang tipo ng babaeng hindi pagsasawaang bistahan ng mga lahi ni Adan dahil sa kanyang angking kariktan.

May hatid na kakaibang init sa mga kalalakihan ang alindog ng dalaga. Ang tipo ni Angelica ay isang babaeng kayang-kayang dalhin sa duyan ng kaligayahan ang sinumang barako na magpapantasya sa kanyang hotness.