Angelica, papunta na sa pagiging SANTO

Angelica, Richard at Angel

Nabuhay ang fans nina Richard Gutierrez at Angel Locsin pagkatapos napabalitang muli silang magsasama sa isang pelikula.

Ayon kay Sarah Lah­bati, merong malaking project na pinaghahandaan si Richard at ito pala iyun.

“Definitely it’s a big project. I’m very excited.

“First time kong makatrabaho si Angelica, and then after 10 years makatrabaho ko si Angel first time pa sa Star Ci­nema. I’m very excited. I consider this a new chapter, ” pahayag ni Richard.

Napaka-positive ng balitang dala dahil sa magandang friendship nina Angel at Angelica.

Sabi ni Angel, talagang may pinagdaanan ang pagkakaibigan nila ni Angelica nang nagsama sila noon sa isang pelikula, pero kinakailangang lagpasan nila ito.

“May pinagdaanan­ talaga kami, pero kinakailangan din eh para…” nabitin na pahayag ni Angel dahil sinalo agad ito ni Angelica.

Sabi ni Angelica, “May mga bagay na hindi talaga sa umpisa na perfect na perfect kayo para sa isa’t isa bilang magkaibigan.

“I guess, napaka­importanteng part din ‘yung pinagdaanan namin sa friendship namin.

“I’m very excited na mas makilala ko ulit si Angel. Ang dami kasing nagbabago sa tao, nakaka-excite kung ano ang nagawa ng mga develop­ments na kung ano ang nagawa ng time para sa aming dalawa.”

Pahayag ni Angel, “Totoo kasi si Gel eh. Everything kay Gel, real. ‘Yun siguro ang dahilan kung bakit gusto natin siyang panoorin.

“Kasi, lumalabas talaga ang pagiging totoo niya. Bilang katrabaho, gusto ko rin ‘yun kasi makikita mo kung ano ang totoo talaga sa kanya.

“Kaya hindi nawawala ang respeto ko sa kanya. Karespe-respeto naman talaga siya.”

Reaksyon naman ni Angelica, “Karespe-respeto talaga?! Baka pa­punta na ako sa pagi­ging santo n’yan, mars!”

Nagbida noon si Angelica sa pelikulang Santa-Santita (2004), ‘di ba?

***

CONGRATS sa mag-asawang Christopher Roxas & Gladys Reyes sa bagong miyembro ng pamilya na si Gavin Cale.

Iniluwal ni Gladys via caesarian section ang pang-apat na baby nila ni Christopher kahapon nang 10:22 AM.

May timbang ito na 6.9 lbs.

Kamakalawa in-admit si Gladys sa Asian Hospital dahil pinili niya ang May 10 na birthday ng kanyang bunso.

Lahat ng anak niya eh ceasarian iniluwal kaya siya na ang namili ng date ng panganganak.

Okay na si Gladys pero kailangan pa niyang magpahinga nang ilang araw.

Sabi ni Gladys, med­yo nahirapan siya rito sa pagbubuntis niya kaya nagkasundo sila ni Christopher na ito na ang pang­huling baby nila.

Gusto pa sana ni Christopher na humirit ng baby girl dahil si Aquisha pa lang ang girl nila.

Pero medyo hirap na si Gladys, kaya as of now, ayaw na muna niya.