Angelica pinagtawanan kay John Lloyd

NI: ARCHIE LIAO

Sa fundraising project ng Lockdown Cinema Nights,nagkaroon ng live script reading ang mga bida ng That Thing Called Tadhana na sina Angelica Panganiban at JM de Guzman. Join din ang kanilang director na si Antoinette Jadaone.

Naitanong ng host na si Juan Miguel Severo kay Angge kung ano ang paborito niyang linya sa romcom nila ni JM.

“Kamukha ng ex ko si John Lloyd Cruz,” ang walang kagatul-gatol na tugon ng Kapamilya actress.

Dahil dito,umani ng maugong na halakhakan ang kanyang sagot.

Nagbahagi rin siya kung paano siya nakapag-move on sa mga naranasang heartbreak sa kanyang mga ex.

Hirit niya,kahit hindi raw siya eksperto sa moving on,nakatulong raw sa kanya ang pagbibiyahe,pagbabago ng environment at

pagdarasal.

Happy naman ang netizen dahil very open na ang aktres na pag-usapan ang kanyang ex.

Hirit naman ng ilan,panahon na raw para pagsamahin ang dalawa sa isang proyekto.

Kinumpirma naman ng hugot director nitong si Antoinette na magkakaroon ng sequel ang nasabing Cinema One Originals movie bagamat hindi pa raw naplaplantsa ang mga detalye.

Ang Lockdown Cinema Nights sa Facebook ay layuning makalikom ng pondo para suportahan ang mga film worker na nawalan ng trabaho dahil sa krisis na dala ng COVID-19 outbreak. (Archie Liao)