Patok ang reunion movie ng ex-sweethearts na sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino na “Exes Baggage”.
Bale nakakadalawang hits na si Carlo this year. Naka-P75M ang Valentine movie nila ni Bela Padilla na “Meet Me in St. Gallen” at kasalukuyang pinipilahan ang movie nila ni Angel (na ayon sa Black Sheep Productions ay naka-P43M na agad sa 2nd day pa lang nito).
Salamat sa “St. Gallen” at na-elevate sa pagiging romantic leading man ang 33-anyos na si Carlo, na bagets-looking pa rin at parang hindi tumatanda. Dahil nagklik ang movie nila ni Bela ay itinambal siya sa una niyang nobya na si Angelica.
Akala namin ay naubos na ang datung ng Pinoy viewers sa “The Hows of Us” ng KathNiel (at pati na rin sa “Goyo”), pero in fairness ay halos puno ang sinehan nang manood kami ng LFS nito sa TriNoma nu’ng Huwebes.
Iba rin talaga ‘yung chemistry ng CarGel at nakakakilig silang dalawa. Bagay sa kanila ‘yung kuwento ng pelikula, na isang lasengga at party girl ang nainlab sa isang furniture designer na hindi pa nakaka-move on sa ex nito.
Akala mo same old, same old lang pero kayhusay pa rin ni Angelica. Damang-dama namin ang hitad bilang broker na si Pia na ang daming insecurities, pero bigay-todo kung magmahal.
Si Carlo ay ang suwabe bilang si Nix na minsan nang iniwan ng bride niya sa altar, pero hindi pa rin mailigwak ang kanyang ex kahit may bago na siyang karelasyon.
Walang malalaking eksena na OA sa kadramahan, pero mas natural at totoo ang mga hugot kaya sapul na sapul ka.
Bongga ang mga awayan nila, na hindi major talakan pero malakas ang impact. Bet namin ‘yung after nilang mag-away ay umiyak sa kama si Angelica at nagdayalog na sanay siyang iniiwan, tapos ay niyakap siya nang mahigpit ni Carlo.
Ang sakit nu’ng eksenang tinanong ni Pia si Nix kung sino ang mas mahal nito, kung siya o ang ex nito. Cry galore kami habang nag-iimpake si Angelica na tahimik lang sa isang tabi si Carlo.
Nang bumigay na si Angge sa loob ng kotse ay iyakan din ang audience, tapos ay crylaloo rin ang Carlo.
Pagdating sa love scene ay ibinigay din ng dalawa. Kuwela ‘yung nagpaparamdam na ang hitad na si Pia pero hindi ma-gets ng dense na si Nix, hanggang sa magdyug na sila na ang palabang si girl pa ang pumatong kay boylet.
In fairness ay ang yummy ng mga pahubad at pa-abs ni Carlo. Hindi siya nagpapaka-macho o nagpapaka-hunk, pero alam mong lalaking-lalaki si Carlo at parang ang sarap-sarap niyang mahalin.
May pa-sing and dance pa ang Carlo, na feel na feel ang pag-awit ng “Maybe the Night” ng Ben&Ben na parang naging theme song nila.
May napatili sa audience du’n sa dayalog ni Angelica na ang hindi lang niya mabili ay love, na ang banat ni Carlo ay hindi na nito kailangan dahil, “Sa ‘yo na ako, eh!”
Kung maglalatagan at magtitimbangan ng feelings, sana nga ay ma-realize ng CarGel na mahal pa rin nila ang isa’t isa dahil parang ang daming kikiligin ‘pag nagkabalikan sila!
KathNiel, LizQuen, JoshLia patalbugan sa ABS-CBN Ball
Mamayang gabi na ang 1st ABS-CBN Ball na dadaluhan ng Kapamilya stars in their glamorous best.
Inaasahang pasabog ang outfit ng sikat na loveteams na KathNiel, LizQuen, JoshLia at pati na ang JaDine na join din sa event this year.
Inaabangan din si Sarah Geronimo na dadalo sa first Ball nito kasama ang boyfie na si Matteo Guidicelli. Ang AshMatt kaya ang magwaging Stars o Couple of the Night?
Si Anne Curtis ay escort daw ang hubby na si Erwan Heussaff, habang si Coco Martin ay si Yassi Pressman daw ang ka-date (hindi ang rumored GF nito na si Julia Montes na umalis na sa Star Magic).
May escort kaya ang kabogerang si Vice Ganda? At ang isa pang tanong: darating kaya ang magka-loveteam na sina Janella Salvador at Elmo Magalona, na may war ngayon at magtatagpo kaya ang mga landas nila?!
Ang dinig namin ay may holding area ang mga star para sa chikahan with the media na magko-cover ng Ball.
Wala na raw interbyuhan pagdating sa red carpet at piktyuran na lang. PAK!