Pinatotohanan ni Carlo Aquino ang kumalat na larawan nila ng isang non-showbiz girl na nakasama niyang nag-jet ski sa La Union.
Hindi na niya nilinaw kung ano talaga ang real score sa kanila ng model na si Trina Candaza.
“Naniniwala kasi ako na may ibang mga bagay na kailangan mong kini-keep private, para kaya mong tumayo in private. Ganu’n na lang ‘yung ginagawa ko,” lahad niya sa panayam ni MJ Felipe sa lead actor ng pelikulang “Ulan.”
Idiniin din ni Carlo na maayos ang relasyon nila ni Angelica Panganiban. As long na okey raw sila ni Angge at nag-uusap ay okey na siya roon. Hindi na raw niya kailangang magpaliwanag kung anuman ang sinasabi ng mga tao.
Ang mahalaga sa ambassador ng Beautederm ay naiintindihan siya ng mga taong kakilala niya. Ito naman daw ang mga taong kinakapitan niya.
Kung anuman ang nararamdamang ‘kilig factor’ nila ni Angelica ay dahil sa lakas ng kanilang chemistry. Wala raw umasa at pinaasa sa relasyon nila.
Biniro nga ang aktor na iba ang appeal ng kutis Beautederm kaya habulin ng mga babae.
Anyway, showing na ang movie ni Carlo sa March 13 na “Ulan” kasama sina Nadine Lustre, Marco Gumabao, AJ Muhlach, Joseph Elizalde, Ella Illano at Perla Bautista. Ito ay sa direksyon ni Irene Emma Villamor under Viva Films.