Angelica sumawsaw sa pagmumura ni Zanjoe

Angelica sumawsaw sa pagmumura ni Zanjoe

NI: VINIA VIVAR

Napamura si Zanjoe Marudo sa galit bilang reaksyon sa mga taong natutuwa pa sa pagtigil sa ere ng ABS-CBN.

“Sige tumawa kayo, pero tangina nyo, pagbalik namin magpapasalamat kayo!” ang post ng Kapamilya actor.

May sumagot na netizen at minura rin siya.

“Tang ina ka rin Zanjoe alamin mo kung bakit pinasara,” komento ng netizen.

Sagot naman ni Zanjoe, “alam ko kung bakit sinara! Minumura ko yun mga tuwang tuwa!”

Sabi naman ng isa pa, “wala naman kayo kasalanan na mga artista..may nilabag ang network nyo eh kaya wag kayo magmura!!”

Sumagot ulit si Z, “libolibong pamilya ang nawalan ng trabaho tapos may mga tuwang tuwa??????? Sila yun minumura ko.”

Marami naman ang hindi makapaniwala na nakapagmura si Zanjoe at ang ibang fans ay na-turn-off. May nag-comment pa na hindi na siya fan ngayon ng aktor dahil nagmumura pala ito.

Pero may mga nagtanggol din naman sa aktor at nakiisa sa kanyang galit.

Sa kalagitnaan ng paglalabo-labo ng mga netizen ay biglang sumagot si Angelica Panganiban at nakimura rin bilang pakikiisa kay Zanjoe.

“Tangina talaga nila. Putangina nila,” komento ni Angelica.

Sagot naman ng isang netizen kay Angelica, “Ano ba pinaglalaban nyo??? Tang ina naman ohhh….”

Sumagot naman ulit si Zanjoe. “Alam namin bakit sinara! Ang post na ito ay para sa mga nagbubunyi at tuwang tuwa na isinara ang ABS. Ano ba yan lahat kailangan ipaliwanag word by word,” anang aktor.