NANG i-announce ng Dreamscape at ABS-CBN na sina Angelica Panga­niban, Paulo Avelino at Julia Montes ang mga magbibida sa teleser­yeng Victims of Love ay maraming natuwa.

Nag-story conference sila para roon noong Marso.

Tuwang-tuwa si Angelica sa pagsasabing gustung-gusto niya na makakatrabaho sina Paulo at Julia, pati sina Lorna Tolentino at Cherry Pie Picache (nakatrabaho na sila noon sa Ruby).

Pero wala na raw si Angelica sa cast ng Victims of Love.

Kung tama ang source namin, si Isabelle Daza na ang makaka-triangle roon nina Paulo at Julia.

Nag-story conference na raw uli ang Victims of Love at hindi na kasama roon si Angelica.

Anyway, ang tsika kasi, magsisimula na ang taping ng Victims of Love at busy si Angelica sa dalawang pelikula ng Star Cinema — ang Wife, Husband, Wife nila nina Richard Gutierrez at Angel Locsin, at ang Ang Dalawang Mrs. Reyes nila ni Judy Ann Santos.

May target playdates na raw ang dalawang pelikulang ‘yon, kaya mas dapat i-prioritize ni Angelica.

Iyung series ay masyado na siyang mahihirapan at maiipit kung gagawin pa niya.

***

Pinag-usapan last week ‘yung mass killings ng Moonchasers at ni Sen. Mallari sa La Luna Sangre ng ABS-CBN.

This week ay dapat abangan ang isang mala­king plot twist sa series.

Marami pang matitinding mangyayari sa fantaserye nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Pati ang mga magaganap kay Supremo (Richard Gutierrez) ay dapat abangan.

Noong Sabado ay nagpa-blogcon ang ABS-CBN para sa directors ng La Luna Sangre dahil ang lakas ng impact sa viewers ng action scenes sa series.

***

May isang kaibigan kami na nagtanong kung pati ba kami ay nasu-surprise sa revelation sa rea­lity TV series ng pamil­ya Gutierrez na It Takes Gutz to be a Gutierrez.

Pangatlong episode pa lang ng 5th season nila mamaya ay napakarami na nilang surprises sa show.

Honestly, YES!

Hindi na kasi kami part ng production team ng It Takes Gutz to be a Gutierrez at hindi kami nakapirma ng confidentiality (a non-disclosure agreement), kaya hindi rin kami nagtatanong sa pamilya kung anu-ano ba ang mapapanood sa kanilang reality TV series.

Ang hirap kasi kung may mag-leak na magaganap sa It Takes Gutz to be a Gutierrez at baka makasama kami sa pagbintangan, huh!

Kaya kahit sa ta­ping ng kanilang OCI (on cam interview), hindi kami nagpupunta.

Kung ano ang napapanood tuwing Lunes, 8:30 PM sa E! at kung may revelation man, sabay naming napapanood at nalalaman.

Sa third episode ng kanilang 5th season mamaya, sinabihan kami ni Bisaya na manood dahil magugulat kami.