Nakatikim ng panlalait si Angelica Panganiban pagkatapos niyang mag-comment sa Instagram account ng Rappler.

Nag-post ang @rappler ng photo na ang headline ay DILG TO LGUS: No more window hours in markets, groceries, pharmacies.

May caption ito na “After weeks of long lines outside markets and pharmacies due to physical distancing measures, the interior department ordered LGUs to stop setting window hours for people to buy food and medicine. #COVID19PH

Reaksyon ni @iamangelicap, “ Sa tagalog po? Ano po sinasabi?”

May nag-bash sa kanya na ang IG account ay @_itsmeehjoe_,”@iamangelicap bobo k?

Rumesbak naman agad ang aktres, @ iamangelicap,

“@_itsmeehjoe_ yes. Matalino@ka kasi eh. Bawal magtanong?”

Inupakan naman ang basher ng mga kumampi kay Angelica. May nagpaliwanag din sa aktres kung ano ang ibig sabihin ng nasabing balita .

@mayang_dumb_and_broke, “@iamangelicap sinabe nila na pwede kana daw mag groceries anytime wag lng madaling araw..gets?“

@mar_le_di, “oo nga naman sa TAGALOG para gets ng lahat .”

@awesomegian, “mayaman siguro yan ms angelica hayaan mo na.. may sarili kasi mundo kaya mayaman haha goodnight ;)”

@Chillbercesrosales, “@_itsmeehjoe_ teh nagtatanong lang, galit na galit? Nambobo agad? Lol.”

@luna_matcha_, “Legit ang tanong nya. Di nyo kailangang mang-insulto ng kapwa tao.”

@hot_men_ph, “@May punto din naman si Angge. Masyado kasing naguumingles yung mga News Website.”