MUKHANG maysakit pa rin si Daniel Padilla­ nang um-attend sa premiere night ng pelikulang Barcelona, A Love Untold.

***

Kailangang mag-ingat si Angelica ­Panganiban at mukha na naman siyang tumaba nang makita sa premiere ng KathNiel movie.

Hindi ito pamimintas kundi pagpapapaala lang sa isang artista na alagaan ang sarili at huwag magpabaya.

***

Si Arci Muñoz na ang bagong Rufa Mae Quinto.

Kitang-kita ang pagkakapareho nila kapag ini-interview at sa pagdadala nila ng sarili.

In fairness, nagkaroon sila ng kani-kanyang moment sa showbiz.

***

Magwawakas ang Magkaibang Mundo bukas nang hapon sa GMA 7.

Arci Muñoz
Arci Muñoz

Kuwento ito ng pagkakaibigan ng isang tao at duwende na nauwi sa pag-iibigan.

Bida rito sina Louise­ de los Reyes (bilang Princess/Pepay) at Juancho Triviño (bilang Elfino/Inoy).

Bilang isang independent woman, nakita rito ni Louise ang kahalagahan ng team work.

Marami siyang memorable scenes sa serye pero ang pinakapaborito niya sa lahat ay ang break up scene niya sa karakter ni Dion Ignacio na si Jeffrey.

“It was very dramatic and still full of love,” sabi ni ­Louise.

Samantala, may pagkakataon pa kaya si Princess na masabi kay Inoy na mahal niya ito ngayong binabawi na ni Barang (Ana Capri) ang buhay nito?