NI: ALWIN IGNACIO

Sana forever na lang sa kanyang pagiging punong barangay ni Angelika dela Cruz .’Wag na niya naising makakabalik pa siya sa showbizlandia.

Gusto naming ipakausap sa kanya sina Boni Ilagan, Pete Lacaba, Ricky Lee at iba pang martial law survivors para malaman niya na hindi ang batas military ang solusyon para mapigil ang paglanap ng COVID 19 virus.

Solusyong medical at tunay na malasakit at pagkalinga para sa lahat, mahirap man, may kaya o mayaman, at higit sa lahat lunas o vaccine, ang kailangan nating lahat.

Nakakahiyang isipin na may artistang tulad niya na pabor sa martial law para “disipilinahin” ang taong bayan eh lahat ng ating mga karapatan eh tablado pag may martial law.

Wala yatang sense of history at justice ang aktres. Dapat sa kanya buhukan, kalbuhin para matauhan.