Binatikos ang aktres na si Angelika dela Cruz ng ilang netizen dahil hindi umano nito ginagampanan ang tungkulin niya bilang Kapitan ng Barangay Longos sa Malabon City.
Bumwelta naman ang aktres sa paratang na wala siyang ginagawang aksyon matapos ipatupad ang enhanced-community quarantine sa Luzon.
Sa Twitter nag-rant ang ilang netizen na hindi bilib sa pamumuno ng aktres na nagtatago lang umano sa kanyang tahanan para isalba ang sarili. Nagbubura rin daw umano ito ng mga komentong hindi niya nagugustuhan.
May mga netizen na nagsasabing ‘wag na siya tumakbo’ sa mga susunod pang eleksyon dahil sa walang kuwenta umano nitong serbisyo.
Hindi na nakapagpigil ang aktres at sinagot na niya ang mga bashers. Aniya, “hoy mas gaga ka ay Ikaw ang walang kwentang tao bash ka ng bash mali naman Ang information mo! Hindi porket hindi ako mag popost ng work ko Sa barangay wala akong ginagawa..ayan isaksak mo Sa baga mo ang pictures ng matahimik ka! TROLL!”
May mga netizen naman dumepensa para sa aktres at nagpatunay sa pagiging humble at responsable nito.
May mga netizen naman dumepensa para sa aktres at nagpatunay sa pagiging aksyon na ginagawa nito. Ang iba kasi ay bumabase lang sa mga nakikita sa social media at hindi sa aksyon na ginagawa ng mga lingkod bayan.
Komento ng mga netizen,
@Jolas Rocha, “Sadly, mas madaming marurunong na netizens sa social media. Kahit wala sila sa pinangyarihan, mas may alam sila kesa sa mga taong involved.”
@Shey Ann Dee, “Hahaha sabi nung isa for publicity ung pictures tas yung nagcomment naman kay angge ala daw gingawa so saan talaga sya lulugar? Hampasin ko kayo alcohol ih panay kc asa sa gobyerno may mga utak naman kayo. Susme.”
@Janet Vergara, “Nasanay kase ang iba na ang basehan post ng pictures at videos para masabing mahusay hahahahha…..well pinoy nga naman.”
Sey naman ng mga netizen, mukhang kinakailangan na maramdaman ng residente ang presensya nito, kaya ang suwestiyon ni
@Golda Meir, “prove to them,go to the most depressed areas sa baranggay mo at mamahagi ka ng relief goods!”
Bunga rin nito, napilitan tuloy ang actress-politician na i-dokumento at i-upload ang kanyang mga aktibidad bilang patunay na may ginagawa ang kanilang kapitana.
Viral pa nga ang kanyang Tiktok video na kung saan ay sumasayaw siya habang nakasuot ang disinfectant spray.
May photo rin siya sa Instagram account na ang caption ay Disinfecting our Barangay…” (Rona Ronda)