Nalito ang mga tagahanga ni Brad Pitt sa kumalat na balitang nagkakamabutihan ulit sila ni Angelina Jolie habang patuloy niyang idini-date ang actress/producer na si Charlize Theron.

 

Bawat aspeto ng nasabing kuwento ay gawa-gawa lang at walang katotohanan.

 

Ang totoo, nagkita at halos tatlong oras magkasama sina Brad at Jolie nito lang Biyernes kung saan nakunan pa sila ng larawan habang seryosong nag-uusap sa opisina ng kanilang abogado sa Los Angeles.

 

 

Talagang naglaan sila ng oras para pag-usapan ang kapa­kanan at tamang pangangalaga sa kanilang anim na anak.
Bilang patunay na nakatutok si Angelina at laging may oras para sa mga anak ay sinamahan niya ang kanyang 10-anyos na kambal na sina Knox and Vivienne sa pamamasyal. Binilhan pa niya ito ng bagong pet dog na sobrang nagustuhan ng mga ito.

 

 

Patuloy na pinag-uusapan na may namumuong relasyon sa pagitan ni Brad at ng aktres na si Char­lize kaya naman nanggigil umano si Angelina.

 

Ayon sa balita, hindi kailanman naging mabait si Angelina sa kapwa aktres dahil madalas silang ma­ging magkakompetensiya sa mga role na naibibigay sa kanila. Idinagdag pa ng mga taong malapit kay Angelina, na tiyak masasaktan ang aktres at hindi niya matatanggap na makipagrelasyon ang kanyang ex-husband sa isang babaeng hindi niya kasundo at obviously hindi niya gusto.

 

 

Sa totoo lang, nakakadagdag alalahanin kay Angelina ang bali-balitang idini-date ni Brad ang aktres na si Charlize kaya dalangin niyang hindi totoo ang balita. Habang lumalaki ang kanilang anim na anak ay napapansin niyang kuhang-kuha ng mga ito ang mga katangiang minahal niya at nagustuhan kay Brad. Nakikita niya ang ilan sa gawi ng mga bata, tulad ng kanilang pagkamapagpatawa at pagiging malambing . Dahil dito, mas lalo raw niyang na-miss ang kanyang ex-husband.