Happy ang icon singer na si Ivy Violan sa pagbabalik sa Pilipinas.
May pasabog siya ngayong October 19, dahil sa kanyang concert titled “Rockin Soul @38”. Gaganapin ito sa Marco Polo Hotel, Ortigas, Pasig, 8PM.
Kasabay na rin nito ang launching ng kanyang bagong composition single na pinamagatang “Hanap Hanap” arranged by Mon Faustino.
Bakit “Rockin Soul @38”?
“Kasi it’s a woman in me, Ivy Violan at 38 years …38 years anniversary ko as a solo artist. And then, ‘yun na nga ang pinagkakaabalahan ko, ang mag-promote lalo na ng bago kong composition na ako ang sumulat titled ‘Hanap Hanap’ under Viva Records.
“Siguro for good na nabalik na uli dito ang Ivy Violan kasi I also have shows for Pagcor. Alam niyo, I’d like to think na I was never away. It’s just that nag-back and forth kasi ako from USA to our country. Tulad ngayon, andito uli ako sa ating bansa,” deklara niya.
“Of course, may mga guest din akong singers like Richard Merk na matagal ko nang nakakasama at meron din new artist singer akong inimbita. I always do that kasi ‘pag may show ako, gusto ko meron akong bagong nakikitang singing talent na magaling. She is Mina Camposa theater actress. Nakasama ko siya sa Lenten play namin noon titled Martir sa Golgota produced and directed by Lou Veloso.
Sa mga hindi nakakaalam, ni-remake ni Ivy ang awiting “Bakit Ikaw Pa?” na ang original singer ay si Geraldine. Naging hit din ang first recorded song niya na “Aanhin Ko Pa Ang Langit”.
Naging produkto siya ng iba’t ibang singing competitions sa ibang bansa na pinanalunan niya tulad Metro Pop Song Fest noong 1985 na kinanta niya ang “Pag-Asa ng Mundo”, Asia Pacific Song Fest last 1988 sa Hong Kong na hinirang siyang Best Singer; Midnight Sun Song Fest noong 1991 na para kay Ivy ay pinakamahirap na kumpetisyon na nalahukan niya dahil kalaban niya ang mahuhusay na singers mula sa Amerika, Asia, Europe, at iba pa. Nandiyan din ang Asean Song Festival sa Jakarta.
Sa mga singer ngayon, nakikita niyang magtatagal si Angeline Quinto.
“Marunong siya. For me her attitude. May istorya siya kung kumanta. Hindi siya nananapaw. ‘Pag grupo balanse siya. ‘Yung ino-overtake mo, nagpapagalingan, hindi siya ganoon. I like her because of that,” lahad niya.
Ang “A Woman In Me Ivy Violan…@38” ay inihahandog ng NUTRAVITALS International.
Mabibili ang mga ticket sa mismong venue ng show, Marco Polo Hotel Ortigas. (Roldan Castro)