KUWELA si Angeline Quinto sa presscon ng Regal movie na That Thing Called Tanga Na.
Naaliw kami sa sagot niya tungkol sa isyung same-sex marriage.
Okay lang sa kanya ang same-sex marriage dahil dagdag raket din ito na posibleng kakantahan niya.
Nakadalawang same-sex wedding ceremony na ang nakantahan niya at bongga ang kita niya dahil dollars.
Sa ibang bansa niya ito nagawa na kung saan legal ang same-sex marriage.
“Willing naman po sila magbayad nang tama, eh. Sa ibang bansa pa nga po ‘yun na legal du’n.
“Sino naman ako para husgahan sila ‘di ba? Kung mahal nila ang isa’t isa, ako na lang ang kumanta,” sabi ni Angeline.
Meron pa sana siyang isang same-sex marriage na kakantahan sa Canada, pero hindi lang daw tumugma sa schedule niya. “Sayang nga po ang dollars,” pakli pa ni Angeline.
***
Natanong na rin kay Angeline kung sakaling nagpakasal siya sa isang lalaking bading pala, hiwalayan ba niya ito?
Sagot ng singer/actress; “Tatanungin ko naman po siya kung kaya niya po ba akong pakisamahan habang buhay since kasal kami.
“Kung bading siya, okay lang po sa akin ‘yun kung kaya lang po niya suportahan ang pamilya namin.”
Sa August 10 na ang showing ng That Thing Called Tanga Na at impressed si Direk Joel Lamangan kay Angeline na nakitaan niya agad ng galing sa pagpapatawa.
Ikinukumpara niya si Angeline kay Sharon Cuneta na magaling kumanta at naging magaling ding aktres.