Angeline, Erik matabang na sa isa’t isa

Sa backstage ng ASAP kahapon ay nakalubong ko si Erik Santos. Madalas kong binibiro si Erik tungkol sa naudlot na sweetness nila ni Angeline Quinto.

Tamang-tama naman na dumaraan si Angeline sa harap namin, kaya sabi ko sa kanila, kukunan ko muna sila ng picture.

Malaking tulong din ito sa promotions ng #paMORE, biro ko kay Erik at natawa siya.

In fairness, good friends naman sina Erik at Angeline kahit nga hindi na sila sweet ngayon.

Jolina sa June pa manganganak

Nang makatsikahan ko noong Friday sa backstage ng Magandang Buhay si Jolina Magdangal, kinumusta ko ang kanyang pagbubuntis. Sabi ni Jolens, 5 months na ang dinadala niya sa kanyang sinapupunan.

Ang alam ko, may gender reveal para sa kanyang second baby si Jolens ngayon sa Magandang Buhay. Medyo malaki na rin ang tiyan ni Jolens at sa June raw siya manganganak.