Angeline inagawan nina KZ at Jona

angeline-quinto

KINANTIYAWAN namin si Angeline Quinto na tila inagawan na siya ng eksena nina Jona at KZ Tandingan dahil ang dalawa na ang mabenta ngayon sa pagkanta ng teleserye at movie theme songs.

Sagot ni Angeline, hindi naman sa kanya galing ‘yung title na Queen of Teleserye Theme Songs, binigay lang din ‘yon sa kanya.

Aniya, pana-panahon lang siguro at walang problema sa kanya kung mas in demand ngayon ang dalawa sa pag-awit ng theme songs.

“Hindi po big deal sa akin ‘yon. Basta ako, hangga’t may trabahong dumarating sa akin, sobrang happy at kuntento po ako,” sey ni Angge, na sobrang thankful na nabigyan siya ng chance na maranasan ‘yon before.

Dugtong niya, “For me lang, hindi naman siguro habambuhay na ako ‘yon, eh. Talagang lahat, hindi permanent. Actually, ‘yun pa rin naman po ang title na naririnig ko everytime na ipinapakilala ako sa mga show.”

Ah, so kung siya ang Queen, ibig sabihin ay Princess lang si Jona o si KZ, ganern?

“Hindi naman. Wala naman akong sinabing gano’n. Ha! Ha! Ha! Kanya-kanyang moment lang talaga.”

Okey daw si Angeline kina Jona at KZ, wala silang gap o anuman. Si Angge pala ang kakanta ng theme song ng bagong Dreamscape teleserye na papalit sa Ang Probinsyano, pero ayaw niya pang sabihin kung ano ito.

Nabanggit din sa amin ni Angeline na siya ang magbibida sa movie version ng hit stage musical na Kung Paano Ako Naging Leading Lady.

Oliver nakipag-threesome

ANG comeback movie ng dating Kapamilya young actor na si Oliver Aquino (formerly known as Mhyco Aquino) na Tale of the Lost Boys ang agaw-pansin sa lineup ng entries sa Sinag Maynila film festival this year.

May kabadingan ang tema ng Lost Boys na co-star ni Oliver ang Taiwanese actor na si Ta Su, na gumaganap bilang isang closet gay student.

May mainit na love scene dito si Ta Su with another actor, tapos ay nakipag-threesome si Oliver.

Walang keber sa kangkangan scenes si Oliver, na mala-soft porn ang gay love scene with Arnold Reyes sa Kasal (2014) na si Joselito ‘Jay’ Altarejos din ang direktor.

Si Tippy Dos Santos naman na wholesome ang image ay may rape scene sa Abomination ni Direk Yam Laranas.

Ang iba pang full-length entries ay Bomba ni Ralston Jover, El Peste Romansa ni Richard Somes at Melodrama/Random/Melbourne! ni Matthew Victor Pastor.

Nagsimula na kahapon ng 4th Sinag Maynila filmfest sa mga SM Cinema.