Angeline Quinto, yummy-licious, kahit totomboy-tomboy

Angelie Quinto

IN fairness, marami ang napatu­nganga sa mahabang slit (na halos abot na sa beywang) sa black gown ni Angeline Quinto sa nakaraang Star Magic Ball 2017.

May halong-intriga pa nga ang komento ng iba na babaeng-babae si Angeline sa suot niya sa nasabing affair, huh!

In fairness naman, kahit may ibang mga naghihinala na baka T-bird si Angeline, kapag nakakasama naman namin siya, babaeng-babae naman ang dating niya.

Madalas pa nga ay babaeng-bakla ang dating ni Angeline na ang kikay-kikay, kaya kami man ay nagtataka kung bakit may ibang mga nagdududa pa sa kanya, ‘noh?!

Anyway, sabi naman ng marami, yummy-licious raw ang isang leg ni Angeline na labas na labas sa slit ng kanyang suot na gown sa event na ‘yon.

Teka! May dapat bang pang­hinayangan si Erik Santos sa kaseksihan ni Angeline at hindi nga kasi sila nagkatuluyan?!