Angeline tutok sagip sa stand-up comedian

NI: RONA RONDA

May sariling bersyon si Angeline Quinto sa pagtulong. Target niya kasi ay ang mga stand-up comedian na hindi makapagtrabaho dahil sa lockdown.

Naiintindihan niya umano ang sitwasyon ng nga kaibigang komedyante kaya’t binuo niya ang “BanDamayan” na fundraising project.

“Tuloy parin po ang pagtulong natin sa mga kasamahan natin sa industriya na nangangailangan ng pagdamay ngayong lockdown. Samahan nyo po ako sa BanDamayan para sa isang videoke jamming sa Facebook Live,” ani Angeline.

Batid ng singer na marami sa mga comedian at singer na kapos sa pantustos sa araw araw nilang pangangailangan. Sinimulan niya ito nitong Easter Sunday at nagsilbing donation drive.