Handa na nga bang magkaroon ng manugang ang dating basketball superstar at retired PBA player na si Alvin Patrimonio?

Kamakailan lamang ay nag-propose ang eldest son nila ni Cindy Conwi-Patrimonio na si Angelo sa Fil-Australian model si Jasmine Maierhofer.

Although basketbolista rin si Angelo tulad ng kanyang ama, sumubok din ito sa showbiz at naging bahagi ng Star Magic. Si Jasmine naman ay tubong Puerto Galera kung saan nagmamay-ari ang kanyang parents ng isang beach resort, ang Tropicana Castle.

Kani-kanyang `gimmick’ ang mga guy pagdating sa pagpu-propose sa kanilang girlfriends . Hindi naiiba rito si Angelo na kakaiba naman ang ginawa.

Sa isang fashion event ng kanyang girlfriend, nakipagsabwatan si Angelo sa organizer sa kanyang planong pagpu-propose sa kasintahan na mangyayari mismo sa curtain call . Si Jasmine ang huling lalabas sa stage.

Sa backstage, suot ni Angelo ang headset at sinundan ang kasintahan sa entablado na nakaharap sa audience.Nasa likod naman siya (Angelo). Doon niya sinimulan ang kanyang marriage proposal na nasaksihan ng lahat ng mga dumalo sa nasabing fashion show. Familiar kay Jasmine sa boses ng kanyang nobyo kaya ganoon na lamang ang kanyang pagkabigla.

Ngayong engaged na sina Angelo at Jasmine, pa-planuhin naman nila ang kanilang wedding na malamang mangyari sa isang taon.

Masaya naman ang respective families ng dalawa sa kanilang engagement. (ASTER AMOYO)