Ipinahayag ni Atty. Jose Malvar Villegas, Jr., may-ari ng JMV Film Production at apo ng National Hero General Miguel Malvar, na ilan sa mga angkan ng mga National Heroes of the 1896 Philippine Revolution, ay gaganap ng mahahalagang papel sa pelikulang “Malvar”, the true-to-life story of Gen. Malvar, produced by JMV Production. Pinagbibidahan ito ni Manny Pacquiao bilang si Gen. Malvar.

Ayon kay Villegas, na siyang co-founder ng Kaanak ng mga Bayani ng Himagsikan Filipino, 1896 (KAANAK, 1896), the official organization of descendants of National Heroes recognized by National Historical Commission (NHC) headed by Roy Daza, President, ay bubuo ng joint committee ang JMV at KAANAK 1896 para makipagtulungan kina award-winning singer Imelda Papin, President of Actors Guild and line producer of Malvar at award-winning movie director Jose ‘Kaka’ Balagtas, upang pumili sa mga National Hero descendants sa pangunguna ni former PNP Director General Edgar Aglipay, Kaanak 1896, Chairman and grandson of Revolutionary Hero, Gen. Gregorio Aglipay, General Chaplain of Philippine Revolutionary Republic Forces during the command of Gen. Malvar in the 1896-1902 Philippine-American War.

Si Roy Daza, na apo ng Revolutionary Hero na si Col. Eugenio Daza who commanded the Filipino forces against the Americans in the world famous Balangiga Samar Battle, ay isa sa mga descendants na gaganap sa “Malvar”. Mapapanood sa “Malvar” ang Balangiga Massacre na kumitil ng limampung libong kalalakihan dahil sa kagagawan ng mga Amerikano.

Ayon pa kay Atty. Villegas, ang buong cast ng “Malvar”, kasama ang mga artistang gaganap ng mahahalagang papel bilang Rizal, Bonifacio, Aguinaldo, Gen. Luna, Gregorio del Pilar, Emilio Jacinto, Sakay at Quezon, ay ipakikilala sa publiko sa Bonifacio Day, ika-30 ng Nobyembre, 2019, sa Aberdeen Court, Quezon City. (Roldan Castro)