Sinaluduhan si Transport Secretary Arthur Tugade dahil sa kanyang inisyatibo sa pagtaya sa motorcycle taxi operations sa bansa habang hinihintay ang ligalisasyon at regulasyon ng nasabing uri ng sasakyan.
Binansagang ‘Mr. Transpormer’ dahil sa positibong transpormasyon sa lokal na sektor pangtransportasyon, nauna nang nagpalabas si Tugade ng direktiba na bumuo ng technical working group (TWG) upang talakayin ang mga isyu na may kinalaman sa posibleng operasyon ng motorcycle taxi bilang public transport.
“Ang paglikha ni Secretary Tugade ng technical working group ay isang mahalagang hakbang upang masolusyunan ang isyung ito na matagal nang problema ng bansa,” ani Congressman Winnie Castelo.
“Natutuwa ako sa ganitong uri ng liderato ni Secretary Tugade sa DOTr at ipinakikita nito na sila ay sensitibo sa pangangailangan ng publilko,” dagdag pa niya.
Pinuri rin ni Angkas Head of Regulatory and Public Affairs George Royeca ang DOTr para sa test run initiative. “Nais naming magpasalamat sa DOTr, lalo na kina Secretary Tugade at Undersecretary De Leon sa kanilang konsiderasyon sa kalagayan ng mga commuter at motorcycle riders,” ani Royeca.