Para makapasok JoyRide, Move It

Binatikos ni Muntinlupa City Representative Rufino ‘Ruffy’ Biazon ang pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na tila sinadyang tapyasan nito ang bilang ng mga Angkas rider upang makuha ng bagong papasok na kompanyang Joy Ride at Move It.

“This appears to be a shakedown for the benefit of new entrants. Slash the existing riders of the existing to force them to join the new entrants,” base sa ipinost ni Biazon sa kanyang Twitter account na @ruffybiazon.

Sinegundahan naman ang post ni Biazon ni da­ting senador JV Ejercito at sinabing obviou­s naman ang ginawa ng LTFRB sa naunang motorcycle taxi na kaya nilimitahan lamang sa 10,000 ang Angkas riders ay upang kunin ng mga nabanggit na bagong papasok na kompanya.

“Too obvious Boss Ruffy. Tsk… tsk”, batay sa tweet ng dating senador sa kanyang twitter account na @jvejercito.

Kasabay nito ay pinutakti din sa social media at binatikos din ang LTFRB sa tweet ni Biazon at ilan sa mga ito ay mula sa tweet ni @IntrovertMe3: “Ang unfair lang cong kasi after @angkas gave safety trainin­g sa mga driver, iba makikinabang.”

Kabilang sa mga nag-reply sa tweet ng congressman ay ang mga twitter account na sina @JAndreRC: “Not only that, they basically crea­ted the market, fought regulators for acceptance, develop the business model while these new entrants are just making free angkas on their hard work, courtesy of the corruption-ridden LTFRB.”

Nag-tweet din ang @reagan_dg: “Yes. It is. Check who are the competitors and the shareholders.”; @zupbry: “Cong it should be the competitors who should step up to entice both riders and partners to join their platforms.”; @pepessmith: “Certainly! I gear toward this fact rather than what the dept says. Napaka-ob­vious naman nila. Antay antay lang tayo, in coming months biglang me mag-aapear na ads at diff marketing ads ng competitor.”

Samantala, inakusa­han naman ng Inter-Agency Technical Workin­g Group (TWG) na nambu-bully ang Angkas dahil nagpapakita na ng kagaspangan gayung pag-aaral pa lamang ang ginagawa ng gobyerno kung papayagan nang gamiting taxi ang isang motorsiklo.

Ito ang sinabi ni TWG Consultant Alberto Suan­sing kasunod ng isinagawang pag-alma ng Angkas ride-hailing service sa inilabas na 39,000 cap na bilang ng dapat ay mapasama lamang kada isang transport network companies.
Sa katatapos lamang na press conference sa punong-tanggapan ng LTFRB, iginiit ni LTFRB Board Member Antonio Gardiola at chairman din ng TWG, mistulang nanloloko na umano ang Angkas dahil inuudyukan nito na magalit ang publiko.

Aminado ang TWG, hindi pa nila kayang i-monitor kung ilan talaga ang mga motorsiklo na ginagamit ngayon na pampasada bilang motor taxi.
Sa pagbubukas ng re­gistration ng TWG para sa motor taxi ngayong araw, umabot sa 2,204 ang nagpaparehistro sa Angkas, 1,169 para sa Joy Ride habang 1,139 naman sa Move It.

Ayon sa Facebook page ng JoyRide, Setyembre pa lang ay nag-recruit na sila ng mga driver at pinangakuan ng suweldong P1,500 kada araw .

Ipinakita din ni JoyRide vice president for corporate affairs Noli Eala, dating Philippine Basketball Association commissioner at ex-San Miguel Corporation sports director sa kanyang Instagram account ang “first look” ng bagong pasilidad. (Dolly Cabreza)