Sir/Madame,

Respectfully forwarding request for assistance and repatriation from OFW Ms Eslava. Pls. find additional information below sent by the OFW.

We will highly appreciate your prompt action.
Sincerely,

(Sgd) John Leonard Monterona

U-OFW

***

Sir/Mam

Humihingi po ako nang tulong gusto ko na po umuwi hindi ko na po kayang magtrabaho. Lagi na pong kumikirot CS (caesarian) ko. Minsan po nahihilo ako dumudugo po ilong ko.

Pinipilit ko lang po magtrabaho para po di magalit mga amo ko. Sana po mapauwi nyo na po ako. Gusto ko pa po makasama anak ko bago po ako mawalan nang malay.

Mga amo ko po payag po silang pauwiin ako. Agency lang po ang may ayaw na umuwi ako.

Kaya please po tulongan nyo akong makauwi.Dami na pong sakit na nararamdaman sa katawan ko.

Jenelyn Soriano Eslava 

***

Ang hinaing ni Gng. Eslava ay naiparating na ng U-OFW sa POLO-OWWA RIYADH
OWWA RAD, POEA REPATRIATION UNIT, OFFICE OF THE POEA ADMINISTRATOR at sa ahensya nitongANGLE MANAGEMENT SERVICES sa Pilipinas na ang counterpart sa Saudi Arabia ay ALPHA pero nananatiling walang aksyon ang nasabing mga tanggapan.

Sa katunayan ay nagpadala na ng liham ang OFW: Angle Management at sa POEA.

Until now we have not received any reply and update on the case of Ms. Espava referred. To the POEA: We move that a TSO BR issued vs the PRA until this case is resolved.

Sincerely,

John Monterona

U-OFW

****

Makikipag-ugnayan din ang BayaniKa sa POEA at sa nabanggit na mga ahensya ng gobyerno para makalampag dahil tila tutulog-tulog sila sa kaso ni G. Eslava. Sa mga susunod na isyu ay aming ilalahad ang anumang magiging katugunan sa idinulog na problema ng ating kababayang OFW na patuloy na sumasama ang kondisyon.