Ani ng mga magsasaka pinabibili sa LGU

Hinikayat ng Senador Francis Pangilinan ang mga local government unit (LGU) na bilhin ang mga ani ng masasaka para hindi kumita ang mga ito at hindi masayang ang kanilang pinaghirapan.

Ginawa ni Pangilinan ang panawagan matapos mapaulat na tinatapon lang ng mga magsasaka ang nabulok nilang mga ani sa Ifugao at Nueva Vizcaya.

“Bukod sa kailangang matulungan sila na magkaroon ng tamang storage at iba’t ibang kasanayan sa canning o bottling, dapat ding siguruhin na mayroong market ang kanilang mga ani,” dagdag nito.

Paliwanag ni Pangilinan, sa ilalim ng Sagip Saka Law, hindi kailangang dumaan sa mabusisi at matagal na proseso ng procurement ang pagbili sa kanilang ani.