EDISON REYES
Sa panayam naman ng TUGIS kay P/Cpl. Alburo na isa sa may hawak ng kaso, naniniwala siya na tunay na nagiging masama ang epekto ng paggamit ng iligal na droga sa isipan ng mga drug addict na kanyang ibinatay sa iba pang mga naging desisyon ng Korte Suprema sa mga kasong may kaugnayan sa pagpatay na kagagawan ng mga drug addict.
Dahil sa matitibay na testimonya ng mga saksi, mga nakalap na ebidensiya at ang extra-judicial confession ng akusadong si Jan-Jan, isinampa ng kapulisan ang kasong murder laban sa kanya sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.
Bunga na rin ng malakas na ebidensiyang iprinisinta ng kapulisan, walang piyansang inirekomenda si Senior Assistant City Prosecutor Annaliza Casimiro-Dogma para sa pansamantalang paglaya ni Godofredo Perdion, Jr. alyas ‘Jan-Jan’, nang isailalim siya sa inquest proceedings noon ding Agosto 6, 2019.
Nang iakyat ng piskalya ang kaso sa korte kaagad na naisagawa ang raffle at bumagsak ang usapin sa sala ni Valenzuela City Regional Trial Court (RTC) Judge Arthur D. Melicon ng Branch 284 na nagtakda kaagad ng pagbasa ng demanda laban kay Jan-Jan noong Agosto 14.
Gayunman, kinatigan ng hukom ang hirit ng kampo ni Jan-Jan na pansamantalang mabimbin ang pagbasa ng demanda kaya’t itinakda itong muli ng Agosto 28 hanggang sa tuluyang matuloy araw ng Biyernes ng Agosto 30.
Sa kabila naman ng pag-amin ni Jan-Jan sa nagawang kasalanan, naghain pa rin siya ng “not guilty plea” sa hukuman kaya’t ipinasya ni Judge Melicon na itakda ang preliminary conference ng usapin ng Setyembre 2, 2019.
Sa mga kriminal na nakatakbo at nakaiwas sa pag-TUGIS ng batas, pansamantala lang ‘yan, hindi habang panahon kayong makapagtatago. Tandaan ninyo. Walang krimen na hindi pinagbabayaran.