Animam parang nananaginip pa

Kapag hiningan ng interview dati si Jack Danielle Animam, lagi siyang handang sumagot.

Mahaba, madaldal pa nga madalas.

Pero tapos ang makasaysayang first gold medal win sa 30th Southeast Asian Games PH 2019 women’s basketball gabi ng Martes sa MOA Arena, Pasay, nangapa siya ng sasabihin.

Maluha-luha pa nga ang da­ting star player ng NU sa postgame pagkaraang sorpresang durugin ang four-time titlist Thailand, ng 91-71.

“Bago ‘yung game, super excited kami. Kasi eto na ‘yung game na magde-determine kung maggo-gold ba kami o ‘di,” ani Animam, tumapos ng 21 points – walo nang kumalas ang ‘Pinas sa third.

“For the last two seasons ng SEA Games, lagi kaming one-win away from getting that gold. Now, we won’t let that happen, and we finished the job.”
Tuloy pa rin ang litanya ni Jack, pero gumagaralgal na ang boses.

“Sobrang sarap lang sa feeling, sobrang surreal pala,” hirit niya, pigil ang emosyon. “I dream of this, but eto na siya sa harapan ko pero parang nananiginip pa rin ako. Ang sarap sa pakiramdam.”

‘Di lang basta ginto sa 5×5, double gold winner si Animam, kasama sina Afril Bernardino, Janine Pontejos at Clare Castro na sumikwat din ng gold sa 3×3. (VE)