Pinatatanggal ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang animated film na “Abominable”. Ito ay matapos makita sa isang eksena ang mapa na nagpapakita ng pag-angkin ng Beijing sa South China Sea.

Ayon naman sa Foreign Affairs Secretary na si Teodoro Locsin Jr., hindi na kailangan pang i-ban sa local cinemas ang pelikula dahil puwede naman umanong i-cut ang naturang eksena.

Ani Locsin sa Twitter, “Of course they should cut out the offending scene which will show our displeasure better than if we unconstitutionally ban it as some suggest.”

Ang pelikula ay tungkol sa isang Chinese teenager na tumutulong sa isang yeti na makauwi sa kanyang tahanan. Hindi na kataka-taka kung bakit nakasama ang eksena nang pag-aagawan ng teritoryo dahil ang pelikula ay nasa ilalim ng produksyon ng Dreamworks at China’s Pearl Studio.

Ayon naman sa Presidential Spokesman na si Salvador Panelo, ang censorship at ang posibleng pagkakatanggal ng pelikula ay nakadepende sa gobyerno. (Ronaline Avecilla)