Animo Kapandesal Olympics kasado

Pasiklaban ang mga basketbolistang Manilenyo sa 1st Animo Kapandesal Olympics ngayong araw sa Enrique Razon Sports Complex sa Taft Avenue, Manila.

Mga batang edad 15-21 anyos na mga taga Leveriza ang maaaring lumaro.
Maglalaban ang pitong teams mula sa Barangays 707, 704, 720, 717, 719, 718 at 714, kasali ang isang team mula sa Alternative Learning Center (ALS).

Layon ng Kapandesal Multipurpose Cooperative na makatuklas ng mahuhusay na atleta na maaring kumatawan sa bansa sa mga international events.

Bahagi ang Animo Kapandesal Olympics sa programa at adbokasiya ng Kapandesal Multi-purpose Cooperative na nakatuon sa Filipino youth.

Sumuporta ang De La Salle University partikular ang Center for Social Concern and Action (COSCA) para maisagawa ang basketball competition.

Ang Animo Kapandesal Olympics ay annual sports event na magtatampok din ng sepak takraw at volleyball.

Pagkatapos ng single-round robin, ang apat na maiiwang teams ay maghaharap sa semifinals sa Aug. 21, ang huling dalawa ay magtutuos sa huling linggo ng buwan.