May huling hirit sa tag-init ang dating mi­yembro ng EB Babes na si Ann ‘Hopia’ Boleche. Nagpasilip siya ng kaseksihan sa kanyang bakasyon sa Dominican Republic.

“Stage director and choreographer na po ako ng Eat Bulaga. ‘Di na po ako nagsasayaw,” update niya nang maka-chat namin sa FB Messenger.

“May negosyo rin kami. ‘Yung Relumins po (whitening brand po) family business po.. .Owned by my brother in law Jack Gindi and my sister Sweet Suzzy and I’m currently holding all the endorsers po ng brand namin and also the CEO po,” kuwento pa niya.

‘Yung bakasyon nila sa Dominican Republic ay treat daw nila sa mga endorser nila na tumutulong at loyal sa brand nila.

Tungkol naman sa grupo nila na EB Babes, sobrang nami-miss na niya ito. Pero hindi naman daw nawawala ang communication nila dahil may group sila sa Messenger.

“‘Yung iba po naging model namin sa Relumins po…

“Ako na lang po ang walang baby sa EB Babes pero I’m in a relationship for almost 16 years,” lahad pa niya.

“‘Yung guy po dancer tito, 1st boyfriend ko po. Dati pong Bigmen at naging Xten din po,” sey pa niya. (Roldan Castro)