Masarap titigan ang kakaibang kariktan ng dating beauty queen na si Ann Colis.

Makikita ang kanyang hotness sa Instagram post ng theqrownph. Sa suot na golden yellow two piece swimsuit, masabaw ang katawan.

Bukod sa kanyang ganda at kaseksihan, ang katakam-takam niyang legs ay hindi kayang isnabin ng mga barako. Ang mga tipo kasi ni Ann na may taas na 5’ 9” ay madalas maging laman ng pantasya ng mga pilyong boylet.

Si Ann ay isang beauty pageant titleholder na kinoronahan bilang Binibining Pilipinas Tourism 2015, na naging Binibining Pilipinas Globe 2015. Siya ay tubong Mexico, Pampanga at nag-aral sa University of Santo Tomas ng degree sa Management Accounting.

Siya ay sumabak din sa pag-arte sa digital series na ‘Fluid’, na nagkaroon nang mainit sa kissing scene sa kapwa babae na ginampanan ni Roxanne Barcelo.

Isang tingin lang sa wow na wow na beach body ni Ann ay maraming barako na agad ang magkakandarapa para mabistahan ang kanyang alindog. Ang karisma ni Ann ay animo magnet na may kakaibang hatid na panghigop sa mga barako.

Siya ang tipo ng babae na pampainit sa mga lahi ni Adan. Ang katulad niya ay kayang paapawin ang sexual appetite ng mga kalalakihan. (Nonie Nicasio)