TSINUGI na ni Tita­ Annabelle Rama ‘yung lagi niyang kasa-kasamang bading na PA na si John Jet dahil sa pagnanakaw.

Galit na galit si Tita Annabelle dahil ‘yung pinapadeposito niyang P100K sa account ng anak niyang si Ruffa Gutierrez ay hindi natanggap ni Ruffa.

Kuwento ni Tita Annabelle, ang akala siguro ni Jet ay hindi mapapansin ni Ruffa­ na nawawala ang pera dahil nasa Ibiza ito nu’ng panahon na ‘yon.

Ang hindi raw alam ni Jet ay bilang lahat ni Ruffa ang lumalabas at pumapasok na pera nito.
Sa tulong ng CCTV sa loob ng bangko ay napatunayang hindi ipinasok ni Jet ang pera, kaya buking ang pandedekwat nito.

Medyo nanghinayang si Tita Annabelle dahil matalino pa naman sana ang baklitang si Jet at maru­nong mag-Ingles, kaya lang ay hindi pala ito kagaya ng ilang dekada na nilang PA na si Jimmy, na mapagkakatiwalaan at never silang ninakawan.

Tila sunud-sunod ang insidente ng nakawan kina Tita Annabelle.

Si Richard ay nawalan ng $700, si Raymond ay nawalan ng $500 at si Tito Eddie ay nawalan ng $200.

Ang nakakalokah ay mga loyal at trusted na kasambahay lang nila ang pinapayagang pumasok sa kuwarto nila, kaya ang bilis nagkaalaman kung sinong salarin.

Nalungkot si Tita Annabelle dahil kahit ‘yung ibang matagal na sa kanila’t sobra na ang tiwala ng pamilya ay nagawa pa rin silang pagnakawan.

Nag-file na siya ng kaso sa QC Hall laban sa alalay niyang si Jet at sa kusinera nilang si Lina.

***

Annabelle Rama at Eddie Guttierrez
Annabelle Rama at Eddie Guttierrez

‘Yung isa naman niyang driver na ang sabi niya ay adik-adik, ang lakas pa ng loob na isumbong siya sa radio program ni Raffy Tulfo na hindi niya raw sinusuwelduhan.

Napilitang sumagot on the air si Tita Annabelle dahil ang daming nagtawagan sa kanyang mga kaibigan niya na inirereklamo siya sa radio.

Ayun, pinaliwanag niya kay Tulfo na matagal na niyang tsinugi ang driver na ‘yon na adik-adik, pero bumalik at nakiusap dahil may sakit daw ang asawa kaya pinagbigyan niya kahit ayaw na sana niya.

Ang ending ay binaliktad pa siya nito, gayong may utang pa ito sa kanyang P2,000 dahil humingi ito ng advance.

Maging si Raffy ay na­lito sa paiba-ibang statement nu’ng driver.

Sa bandang huli ay sinabi ni Tita Annabelle na one of these days ay dadalaw siya mismo sa istasyon ni Tulfo para ikuwento ang tungkol sa mga walanghiya at magnanakaw niyang kasambahay.

***

Hindi biro ang isyu ng nakawan pero ‘yung ibang kuwento ni Tita Annabelle ay sobrang nakakatawa, gaya ng kung paano niya napaamin ‘yung nagnakaw.

As in laugh trip ang mga tsika niya tungkol sa mga karakter na maid nila, kaya maging si Tito Eddie na ninakawan ay natawa na lang.

Puwedeng maka­buo ng KASAMBAHAYSERYE si Tita­ Annabelle base sa mga kuwento niya.

Puwede niya itong gawan ng isang separate na book o ma­ging chapter ng susunod niyang libro after ng mabenta niyang book na ‘Day, Hard!

5 Responses